^

Punto Mo

Matandang Tinali (109)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“E di maaaring bumalik ka sa kubo ni Joy, Dong?’’ tanong ni Manong Naldo habang naglalakad sila pauwi.

“Opo Manong Naldo. Nagsabi na ako kay Joy kung maaari akong makabalik para makipagkuwentuhan sa kanya. Oo raw.’’

“Mabait si Joy ano? Maganda pa di ba?’’

“Opo Manong. At palagay ko, baka mahulog ang loob ko sa kanya. Masarap kausap si Joy. Damang-dama ko ang kabutihan niya. Tunay na tunay ang mga sinasabi niya.’’

“Aba pagnagkataon pala ay makakatikim ako ng mainit na sabaw, he-he-he!”

“Hindi lang mainit na sabaw, Manong ang matitikman mo. Lahat nang masasarap na pagkain, ha-ha-ha!’’

“Sige nga. Kaya lang baka pag ikinasal kayo e sa isang hotel sa Maynila e paano ako makakarating dun e alam mo namang wala akong pamasahe.”

“E di bibigyan kita ng pamasahe.’’

“Puwede bang dito na lang gawin ang kasalan?”

“Puwede rin Manong.”

Nagtawa si Manong ­Naldo.

“Hindi pa nagsisimula ang panliligaw mo e kung anu-ano na ang iniisip ko ano, ha-ha-ha!”

“Maganda nga raw ang ganun Manong. Parang pinaplano na at nagkakatoo raw iyon. Kasi’y positive ang naiisip. Sana nga ay totoo ano Manong.’’

“Sige at magdadasal ako na magkakatotoo. Ang dadasalin ko e sagutin ka agad ni Joy. Pagsinagot ka, tiyak na kasalan na, ha-ha-ha!’’

“Oo nga Manong. Pagnagkatotoo, tapos na ang pagka-matandang tinali ko, ha-ha-ha!’’

KINABUKASAN, mga dakong alas nuwebe ay nagtungo si Dong sa kubo ni Joy.

Nakaabang na si Joy sa bintana.

“Halika Dong. Akyat ka.’’

“Baka may ginagawa ka?’’

“Wala.’’

Umakyat siya.

Nagkuwentuhan sila sa malapit sa bintana.

Marami silang pinagkuwentuhan. Tungkol sa buhay-buhay nila.

Hanggang sa magyaya si Joy.

“Pasyal tayo sa sapa. Mas masarap ang ihip ng hangin dun.’’

“Tena.’’

Namaybay sila sa sapa. Pinagmasdan ang malinaw na tubig.

“Ang linaw ng tubig ano, Dong?’’

“Oo. Masarap maligo.”

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with