^

Punto Mo

Demonyong hayok sa laman

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

DUMARAMI ngayon ang kampon ni Satanas, hindi na ito biro kaya kailangan mag-ingat sa mga kamoteng ito.

Bakit?

Mukhang sinaniban ng demonyo ang 29 years old na tiyuhin ng 3 years old na batang babae nang patayin niya ito at mukhang ginahasa pa sa isang liblib at madamong lugar dyan sa Camarines Norte.

Sabi ng Kamoteng tiyuhin gumanti lamang siya sa away nilang mag-utol kaya ang bata ang kanyang napagdiskitahan.

Ika nga, gago talaga!

Nahuli naman ang demonyo at nasa kalaboso na pero ang hindi matanggap ng pamilya at madlang people paano niya nagawang gahasain pa ang kanyang paslit na pamangkin.

Sabi nga, gago talaga!

Itinanggi pa ng Kamote, na ginahasa niya ito pero nang makita ng mga autoridad ang bata sa isang damuhan lugar ay wala itong saplot. 

Ika nga, hubo’t-hubad!

Mukhang wala sa sariling pag-iisip si Alberto Belmonte, matindi ang sapal nito sa utak kaya dapat lang siyang patayin este mali ikulong pala!

Nagpapasalamat tayo sa isang witness na naglakas loob na inguso ang gagong si Alberto sa mga autoridad. Nakita niya ang suspect na kasama ang pamangkin habang naglalakad sa kanilang lugar.

‘Bakit kaya walang saplot kung hindi ito pinakialaman ng gagong tiyuhin ?’ 

Gustong ipa-autopsy ng magulang ang anak nila kung ginalaw ba ito ng demonyong tiyuhin.

Abangan.

• • • • • •

Nagkasunog sa upos ng ‘yosi - kadiri’ 

Nagtataka ang madlang people sa Camarines Sur kung paano nasunog ang isang place sa Daruanak Island ?

May mga nagsasabing dahil daw sa upos ng ‘yosi-kadiri’ kaya nagkaroon ng paglagablab ng apoy todits.

Sabi nga, may grass fire kaya kulay itim ang tuktok ng island.

Medyo malaki-laki rin ang sunog porke 500 square meters ang nadale.

Buti na lamang at biglang umulan kaya naman tumigil ang sunog.

Ika nga, fire-out !

Hindi mapalagay ang mga authorities sa lugar kung paano nagkaroon ng apoy todits. May mga nagsasabing dahil sa upos ng ‘yosi-kadiri’ na itinapon sa tuyong damuhan kaya nagkaroon ng ‘fire.’

Ano sa palagay ninyo ?

Abangan.

 

vuukle comment

SATANAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with