^

Punto Mo

Pinakamainit na araw sa kasaysayan ng mundo, naitala sa Pakistan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

WALANG sinabi ang init dito sa ating bansa sa tindi ng init na nararanasan ngayon sa Pakis­tan.

Noong nakaraang Lunes (Abril 30), nakapagtala ang siyudad ng Nawabshah ng world record para sa pinakamainit na araw na naobserbahan sa buwan ng Abril sa kasaysayan ng mundo.

Umabot ng 50.2 Celsius ang temperatura sa Nawabshah dahilan upang dose-dosenang mga biktima ng heat stroke ang kinailangang itakbo sa ospital.

Dahil sa napakatinding init, lumobo tuloy ang bilang ng mga gumagamit ng aircon sa Pakistan, na nagdulot ng pagkabitin sa supply ng kuryen­te na naging sanhi naman ng sunud-sunod na blackout sa buong bansa.

May mga metereologists naman  na kumukuwestiyon sa world record na naitala sa Pakistan dahil mas mataas pa rin daw ang mga temperaturang naitala sa Arizona at Kuwait noong 2013 at 2016 na kapwa umabot sa 54 degrees Celsius.

vuukle comment

TINDI NG INIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with