^

Punto Mo

Surfer mula Portugal, sinakyan ang 80-talampakang alon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG surfer sa Portugal ang pinarangalan ng Guinness World Records kamakailan lang matapos niyang sakyan ang sinasabing pinakamataas na alon sa kasaysayan ng surfing.

Ginawaran si Rodrigo Koxa ng World Surf League ng Quiksilver XXL Biggest Wave Award matapos makuha sa video ang ginawa niyang pag-surf sa isang 80-talampakang alon noong November 8, 2017.

Inanunsyo naman ng Guinness na hawak na ni Koxa ang world record para sa pinakamataas na along nagawang sakyan ng isang surfer.

Tuwang-tuwa naman si Koxa sa mga parangal na ibinigay sa kanya. Ikinuwento pa niya ang kanyang naging karanasan noong 2014 nang muntik na siyang bawian ng buhay sa kaparehong lugar kung saan siya nakapagtala ng bagong world record habang siya’y nagsu-surfing.

Ngayon ay maligaya siya na natupad na niya sa wakas ang pangarap niya bilang surfer.

Nahigitan ni Koxa ang dating record na naitala ng US surfer na si Pete Cabrinha noong 2014 nang mag-surf siya sa ibabaw ng 70-talampakang alon.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

SURFING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with