^

Punto Mo

Babae sa UK, mag-isang nagluwal ng sanggol sa tulong ng Youtube

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babaeng mula Tennessee na nagbakasyon overseas ang nagawang iluwal ang sarili niyang sanggol sa tulong ng mga videos sa YouTube.

Walang kamalay-malay si Tia Freeman na siya’y manganganak na kaya nang sumama ang kanyang pakiramdam sa kanyang flight papuntang Istanbul ay sinubukan niyang itulog na lang ito.

Hindi naman nakatulong ang pagtulog dahil nang paggi­sing niya noong papalapag na sila ay mas lalo pang tumindi ang nararamdaman niyang kirot sa katawan.

Napagtanto na lang ni Freeman na siya’y manganganak na nang siya ay nakababa na ng eroplano.

Eksakto namang siya ay nasa kuwarto na ng kanyang hotel nang tuluyan nang lumabas ang bata.

Dali-daling naghanap si Freeman ng mga ­videos sa YouTube na nagpapakita kung paano ang panganganak nang mag-isa.

Salamat sa mga videos at maayos niyang nailuwal ang kanyang sanggol at nalaman din niya kung paano ang tamang pagputol ng umbilical cord.

Nagpaliwanag naman si Freeman na hindi raw siya nanganak sa isang ospital dahil hindi niya alam kung nasaan ito sa Istanbul.

vuukle comment

YOUTUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with