^

Punto Mo

EDITORYAL - Marami pa ring nagogoyo ng pyramiding scam

Pang-masa
EDITORYAL - Marami pa ring nagogoyo ng pyramiding scam

MARAMI pa rin ang hindi natututo at naloloko ng mga taong “matatamis ang dila”. Sa kabila na marami nang pangyayari ukol sa pyramiding scam na itinakbo ang pera ng investors, marami pa rin ang walang kadala-dala at patuloy na nagtitiwala sa matatamis ang dila.

Katulad ng nangyari sa 48 biktima ng pyramiding scam na natangayan ng mag-asawa nang mahigit P900 milyon. Ang maganda lang, naaresto ang mag-asawang nanggoyo ng investors at ngayon ay nakakulong na sa Camp Crame at sasampahan na ng swindling, estafa at syndicated estafa.

Ayon sa mga nagoyong investors, hinikayat sila ng mag-asawang Arnel at Leonady Ordonio na mag-invest sa kanilang online business at pinangakuan ng 30 percent return sa loob ng 15 araw. Ayon sa mga nag-invest nakatanggap naman sila sa unang buwan ng interest sa kanilang pera. Kaya marami ang naengganyo na mag-invest uli at nag-recruit pa. Isang mag-asawa ang nag-invest ng P29 milyon noong Nobyembre 2017. Mayroong mag-asawa na nag-invest ng P4 milyon mula sa kanilang retirement. Hanggang sa hindi na umano makapagbigay ng interest ang mag-asawang Ordonio.

Nahuli ang mag-asawa sa Ilocos Sur makaraang magsumbong ang investors sa Volunteer Against Crime and Corruptions (VACC). Nahuli sila sa intrapment operation.

Noong 2013, P12-bilyon ang natangay ng Aman Futures Group Philippines sa kanilang 15,000 investors. Ang founder ng Aman ay si Manuel Amalilio. Tumakas si Amalilio at nagtungo sa Malaysia.

Mga karaniwang mamamayan ang nag-invest sa Aman. May mga teacher, pulis, sundalo, tindera, vendor at iba pa. Mayroong retired teacher na nagpakamatay dahil ang kanyang retirement money ay inilagay lahat sa Aman. Dahil sa galit ng ilang investors, ni-ransacked ang opisina ng Aman at kinuha ang mga gamit doon. Hindi na nabawi ang pera ng investors.

Marami pa rin ang nagogoyo kahit may nangyari nang lokohan. Patuloy na naghahangad nang malaking interes. Natakawan sa laki ng babalik kaya itinodo na. Sana magkaroon ng aral ang sasali sa ganitong investment na malaki raw ang tubo.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with