^

Punto Mo

May kapangyarihan sa isa

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

NOONG nakaraang Linggo, ipinagdiwang ng mga Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus. Ito ang tinaguriang “crowning glory” ng Kristiyanismo. Sabi nga ni Apostol Pablo, walang kuwenta ang pananampalatayang Kristiyano kung hindi muling nabuhay si Hesus.

Nang magpakita si Hesus sa mga alagad, ang una Niyang mensahe sa mga ito ay kapayapaan: “Sumainyo ang kapayapaan,” wika Niya. Iyon ang kailangan ng mga alagad nang mga sandaling iyon—ang kapayapaan—sapagkat sila’y takot at nangangamba sa maaari nilang kahinatnan. Wala na ang kanilang lider at maaari silang ipakulong o ipapatay ng mga otoridad.

Mula noon hanggang ngayon, tila napakailap ng kapayapaan sa buong mundo. Habang tumatagal, lalong gumugulo ang mundo. Nakalulungkot na kayraming madudugong patayang nagaganap sa ngalan ng relihiyon.

Dito sa Pilipinas, si President Duterte ay inihalal ng tao dahil sa plataporma ng kapayapaan. Ipinangako niya na lalansagin ang ilegal na droga sa loob lamang ng anim na buwan. Ngunit sa kabila ng mahigit sa 7,000 napatay dahil sa kampanya laban sa droga, hindi pa rin mapigil-pigil ang paglaganap ng bisyong ito. Laganap pa rin ang katiwalian at kriminalidad sa isang kalagayang tila may “culture of impunity” ang gumagawa ng mga ito. 

Inihinto na ng gobyerno ang “peace talks” sa CPP-NDF dahil sa alegasyon na habang may usapang-pangkapayapaan ay patuloy naman ang NPA sa pagsalakay sa puwersa ng gobyerno.  Sa ngayon, may 60 mambabatas ang nananawagan sa Malacañang na muling buksan ang usapang-pangkapayapaan. Nariyan pa rin ang banta ng MILF na muling mag-aalsa kung hindi mapagtitibay ang Bangsamoro Basic Law. May banta rin ang MNLF.  At syempre, patuloy na sakit ng ulo ang panggugulo, pangingidnap at pamumutol ng ulo ng Abu Sayyaf. Maaari pa ring maulit sa ibang lugar ng Pilipinas ang katulad na kaguluhang naganap sa Marawi. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ang buong Mindanao ay nasa ilalim pa ng batas militar.

May pag-asa pa ba tayo? Siyempre naman mayroon! Kailangang manghawakan tayo sa pag-asa kasi kung hindi, matutulad tayo sa isang maysakit na dahil nawalan na ng pag-asa, ang “will to live” ay napalitan na ng “wish to die.” Ang Kristong nabuhay ay dapat ding mabuhay sa iyong puso sa pamamagitan ng paghahari ng “culture of peace.” Sa iyo magsisimula ito upang umiral sa buong Pilipinas ang kapayapaan. Lahat nang malaki ay nagsisimula lamang sa maliit.

Umpisahan mong makipagkaibigan sa mga taong hindi mo gusto. You can lose an enemy by winning him as a friend. Umpisahan mong maging tapat sa lahat ng bagay at huwag mandaraya. Maging matiyaga sa mga proseso, sa halip na maglagay para lamang mapadali ang transaksyon o makaiwas sa kahingian ng batas. Kung may bisyo ka, itigil mo na, at himukin ang iba na huwag magbibisyo. Maging tagapangalaga ng katahimikan at kapayapaan sa pamamagitan ng pagrereport sa kinauukulan kung may napapansing kahina-hinala.

Sa huli, huwag mong maliitin ang maaari mong magawa bilang isa. There is power in one. May kapangyarihan sa isa. Hindi mo kayang isipin ang maaari mong maging impluwensya sa iba kung ang usapan natin ngayon ay magiging seryosong usapan ninyo pagkatapos nito.

 

   

 

vuukle comment

HESUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with