^

Punto Mo

Tarmac sa isang airport sa Russia, ‘binaha’ ng ginto

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BUMUKAS ang pintuan ng isang eroplano na papalipad mula sa isang airport sa Russia dahilan upang bumaha ng higit tatlong toneladang ginto sa tarmac ng paliparan.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente, na nangyari nito lamang Huwebes sa siyudad ng Yakutsk sa far eastern na rehiyon ng Russia.

Isang An-12 na eroplanong pinapatakbo ng Nimbus airline ang may lulan sa tone-toneladang ginto at ilan pang mamahaling metal at bato. Palipad sana ang eroplano sa Krasnoyarsk ayon sa paunang imbestigasyon ng mga kinauukulan.

Hinihinalang may pinsala ang hawakan ng pinto ng eroplano kaya ito biglang bumukas at nahulog ang daan-daang piraso ng mga bara ng ginto.

Nasa 172 bara ng mga  ginto na may bigat na 3.4 tonelada ang narekober ng mga awtoridad mula sa tarmac ng paliparan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with