^

Punto Mo

Air Asia, sagutin n’yo reklamong ‘to!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI porket hindi sumagot sa aming tawag o inisnab kami sa ere ay tapos na ang isang reklamong inilapit sa BITAG man o Kilos Pronto. Mas lalong mabigat ang ikinakasa naming solusyon.

Tandaan, multimedia ang platform ng aming tanggapan. Sisikat ng husto ang sinumang manloloko at nang-aabuso, indibidwal man o institusyon.

Sa kolum na ‘to, tatawagan ko ng pansin ang Air Asia Phils. May nabiktima kayo diyan sa Air Asia ng palpak n’yong sistema na kinakailangan n’yong harapin.

Maganda naman ang inyong serbisyo sa pagkakaalam ko at hindi kayo likas na dorobo. May pagkakataon pa para itama ang pagkakamali kaysa tuluyang masira ang inyong organisasyon dahil sa pinabayaang reklamo.

Ang biktimang lumapit sa aking tanggapan, 29-anyos na mahilig mag-travel. Nakita ang promo ng Air Asia sa Facebook kaya’t naengganyong bumili ng ticket noon pang 2017.

Pagbiyahe ng pobre papuntang India ngayong Enero 2018, dito na nagsimula ang kanyang kalbaryo. Nakarating siya ng matiwasay sa India subalit noong pabalik na, wala raw available flight ang Air Asia.

Wala naman raw pasintabi ang Air Asia na cancelled pala ang kanilang biyahe pabalik ng Pinas, kahit text o email o alternative flight, man lang, wala.

Ang siste, suspendido pala ng isang buwan ang kompanya kaya inutil ang kanilang serbisyo noong mga panahon na iyon. Ano pa nga ba, eh di Pati mga biyahe, palyado.

Napilitan tuloy ang biktima na bumili ng panibagong ticket sa ibang airline na nagkakahalaga ng P27,000 para makauwi ng Pinas.

Tanging ayuda ng nagrereklamo, mabawi ang ibinayad niya sa Air Asia. Subalit hindi nga sumasagot ang mga ito sa telepono, kaya unang bulusok pa lamang ang kolum na ito.

Kasalukuyang kumikilos ang Kilos Pronto team para solusyunan ang problemang ito. Kayo diyan sa Air Asia, bukas ang aking tanggapan kung gusto n’yong linawin ang isyung ito.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with