^

Punto Mo

Pilosopiya nina Edison at Socrates

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Thomas Edison

Bago nagtagumpay si Edison sa pagtuklas ng bombilya, katakut-takot munang experiment ang kanyang ginawa. Noong panahong lampas na ng 100 experiment ang nagagawa ni Thomas Edison ngunit hindi pa rin niya makuha ang tamang materyales sa filament na magpapailaw ng bombilya,  napabuntung hininga ang kanyang assistant.

“Sir nasayang lang ang ating pagod. Wala na namang nangyari sa ating experiment.”

“Aba, huwag mong sabihin ‘yan. Ang totoo, may natutuhan tayo sa nangyaring kabiguan. Nalaman natin na hindi pala makakapagpailaw ng bombilya ang 100 materyales na sinubukan nating gamitin.”

Socrates

Kabisado ng mga kaibigan na si Socrates  ay napakatipid na tao. Isang kaibigan ang nakapansin na lagi siyang nagpupunta sa palengke, partikular sa tindahan ng mga gamit sa bahay.

“Kaibigan, mukhang may plano kang mamili ng mga gamit sa bahay. Ilang beses kitang nakita na naglilibot sa mga tindahan.”

“ A…wala akong balak mamili. Natutuwa lang akong maglibot sa mga tindahan dahil nalaman ko kung gaano kadami ang mga bagay na hindi ko kailangan sa aking buhay.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with