^

Punto Mo

OT ng BI dehins pa pinakakawalan

Butch M. Quejada - Pang-masa

MAY mga immigration employees ang nagtatanong kung kailan ba talaga ibibigay ang kanilang overtime pay na galing sa Express Lane Fund dahil ito anila ay naipangako sa kanilang noong pang mga nakaraan buwan dahil up to now ay wala pa silang OT sa NAIA at maging sa lahat ng subports at airport ng Philippines my Philippines.

Sabi nga, dapat ibigay na ang OT dahil puspusan ang trabaho ng mga immigration employees sa kanilang mga departamento at ito lamang ang kanilang inaasahan para sa kanilang pamilya dahil kung ang sahod nila ang pagbabasehan ay napakababa.

Ika nga, kulang!

May bali-balita na may ilang BI sa mga international airport ang naglakas loob ng humiran in advance ng pitsa sa buong akalang lalabas na ang kanilang OT pero up to now ay nakanganga lamang ang mga ito.

Ayon sa mga kuento may ilang immigration personnel ang nagmumuni-muni dahil parang gusto nilang magbitiw sa kanilang trabaho sa nasabing ahensiya para lumipat sa mas magandang sahod.

Sinasabing mukhang may umiipit daw ng kanilang OT dyan sa Malacañang kaya ayaw pa itong pakawalan.

Bakit?

Iyang ang hindi natin malaman sa ngayon.

Kamakailan, may utos na si Boss Digong na ibigay na ang OT ng mga kawani ng immigration at ito anila ay kunin na lamang sa Express Lane Fund.

Sabi nga, gagawa pa raw ng isang dusk fan este mali trust fund pala galing sa Express Lane Fund para ito anila ang pagkunan ng overtime pay na ibibigay sa mga taga - BI.

Ang OT for BI ay may legal opinion na daw si SOJ Vit Aquirre na siguro kailangan nang ipatupad para ibigay sa mga pobreng alindahaw ?

Ano sa palagay ninyo ?

Abangan.

* * *

Sindikato ng illegal drugs active pa sa negosyo

Ayaw talagang tumigil ang mga sindikato ng illegal drugs sa Philippines my Philippines, active pa rin sila sa kanilang ‘monkey business’ kahit puro huli ang inaabot nila sa mga authorities.

Tuloy nagmamahal ang droga at halos hindi na kayang bilhin ng ordinary adik ?

Suerte na nga ang karamihan miembro ng sindikato, pushers at adik dahil hindi na sila nakikitang nakatihaya sa mga damuhan ?

Up to now, milyun-milyon pa rin halaga ng mga illegal drugs ang nahuhuli sa mga sindikato buti na lamang at hindi sila nakakalusot sa ‘matang lawin’ ng mga alagad ng batas.

Hindi lang shabu ang kalat sa Philippines my Philippines kundi iba’t-ibang klase ng mga droga na nakakasira ng ulo ang mga napaghuhuli.

Kamakailan lang may nag-trip na siya si Superman, tumalon ito sa isang mataas na gusali sa Mandaluyong, pagbagsak lasug-lasog  hindi na makilala.
Sinasabing ‘sex drugs’ daw ang tinira nito.

Hayun, nasa paradise na siya. Hehehe !

Buti na lamang at may kakampi ngayon ang mga alagad ng batas na nagtuturo sa kanila ng mga sindikato ng illegal drugs kaya naman panay ang huli ng mga ito at hindi lang basta sachet ang nakukuha kundi bulto-bulto pa.

Laking pasasalamat ng mga nahuhulihan kilo-kilong illegal drugs dahil ‘alive and kicking’ pa sila !

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with