^

Punto Mo

Pagtanda ng tao bakit hindi mapipigilan?

Ramon M. Bernardo - Pang-masa

TANGGAP na naman ng mara-ming tao na lahat tayo ay tumatanda. Hindi iyon maiiwasan ninuman. Kahit sabihing malusog ang iyong lifestyle, madalas sa gym o nag-eehersisyo, kumakain ng masusustansiyang pagkain, walang bisyo at umiiwas sa mga gulo na maaaring magdulot ng peligro sa buhay, dada-ting din ang panahong manghihina ka, tatanda, dadapuan ng sari-saring sakit hanggang sapitin mo na ang paglubog ng araw sa iyong buhay.

Pero posible bang maiwasan ang pagtanda?  Humahaba na rin ngayon ang buhay ng tao na mahihiwatigan sa dami ng mga centenarian sa mundo o yaong mahigit sa 100 taong gulang ang edad na isa sa maaaring dahilan ang pagsulong ng medisina.  Gayunman, ang aktuwal na proseso ng pagtanda ng tao ay hindi pa natutugunan ng siyensiya. Sa isang pag-aaral ng mga researcher ng University of Arizona, ipinaliwanag dito kung bakit imposibleng mapigilan ang pagtanda.

Ayon kay Joanna Masel, professor ng UA at co-author ng pag-aaral na nalathala sa Proceedings of National Academy of Science,

Karamihan ng mga pagsisikap na mapigilan ang pagtanda ay nakatutok sa galaw ng mga selula (cell) sa loob ng katawan ng tao at sa proseso na nalikha sila at namamatay.

Ayon sa mga researcher, ang mga cancer cell ay lubhang naglalakihan at dumarami habang tumatanda ang tao. Kaya kung intensyon ng sino man na paliksihin ang tumatamlay nang healthy cells,  magiging dahilan din ito para paiklian ng nakakamatay na selula ang iyong buhay.

Sabi ni Paul Nelson na namuno sa pananaliksik na, kung tatanggalin ang mga matamlay o sluggish na healthy cell, darami naman ang mga cancer cell. Kung susugpuin naman o pababagalin ang nga cancer cell na ito, darami naman ang mga sluggish cell. Kaya maiipit ka sa pagitan ng pagpapaubaya sa pagdami ng mga sluggish cell o hayaang kumalat ang cancer cells. Walang mapagpipilian. Hindi rin mapagsasabay.  Maaaring nakapirmi ka na sa mabagal at matatandang selula na itinutulak ka palapit sa kamatayan o sa malalakas na cancer cells na, ganoon din ang ginagawa, inilalapit ka rin sa hukay. Masasabing itinakda talaga ang pagtanda ng tao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with