^

Punto Mo

Problema ng mahirap

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Problema ng bayan lubhang matagal na

ngunit ang solusyon ay hindi makita;

iba’t ibang tao dito’y namuno na

pero wala pa ring pagbabago yata!

 

Nagpalit-palit na mga pulitiko

bata at matanda ay natutuliro;

kapag election time ay puro pangako

na sila’y tutulong malunasan ito!

 

Pero ang mayaman lalong yumayaman

at ang mahirap hindi makagapang;

kahit ang Pangulo’y anak karukhaan

nangangako siyang baya’y daramayan!

 

Kaya patuloy pang tayo ay hikahos

pagka’t mamamaya’y waring nakagapos-

sa buhay na dukha at buhay na kapos

ayaw umasenso’t sa dangal ay takot!

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

BUHAY

HINDI

KAYA

NAGPALIT

NBSP

PANGULO

PERO

PROBLEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with