^

Punto Mo

10 palatandaan na hindi magiging mabuting maybahay ang iyong girlfriend

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Hindi pa man ay inilalayo ka na niya sa iyong pamilya. Nagsasakit-sakitan kapag nalamang may importante kayong lakad na magkakapamilya. Ano pa ang puwede niyang gawing kaartehan kapag misis mo na siya?

Nawawala sa eksena kapag marami kang problema. Kung girlfriend pa lang ay wala nang malasakit sa iyo, paano pa kung magkaroon kayo ng gabundok na problema kapag mag-asawa na?

Magulong kausap at laging nagpapakita  ng mga hindi maintindihang ugali. Ang pruweba, lagi siyang nakikipag-away sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Laging nakadikit sa iyo: Hindi mabilang na tawag at text ang natatanggap mo sa kanya per day. Hindi na thoughtfulness ang tawag doon kundi kinokontrol ka na.

Hindi niya maayos ang sarili niyang buhay—maraming utang, hindi nagtatagal sa kanyang trabaho, hindi niya alam ang gusto niya sa buhay. Favorite expression ang : Hinahanap ko ang aking sarili.

Laging siya ang “magaling” at tama kapag may pinagdidiskusyunan kayo. Hindi siya titigil hangga’t hindi ka umaayon sa kanyang katwiran.

Minsan na siyang nagtaksil sa iyo. Oo ang isang tao ay maaaring matuto at magbago ngunit ang taksil na girlfriend ay malaki ang tsansa na magtaksil pa rin kahit na may-asawa na.

Super selosa.

Wild siya pagdating sa kama at hindi ka makasabay sa lakas ng kanyang “libido”.

Hindi siya marunong umamin sa pagkakamali.

If you would have a good wife, marry one who has been a good daughter. — Thomas Fuller

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

HINAHANAP

HINDI

LAGING

MAGULONG

MINSAN

NAGSASAKIT

NAWAWALA

THOMAS FULLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with