^

Punto Mo

Babaing doktor, nanigarilyo sa eroplano nang sitahin ng flight attendant ibinintang sa lalaking katabi

- Arnel Medina - Pang-masa

BAWAL manigarilyo sa eroplano. Nanganganib ang lahat nang pasahero kapag ginawa ito. Pero hindi ito naisip ng isang babaing doctor. Nang ireklamo siya at kumprontahin ng flight attendant, ibinintang ito sa lalaking katabi.

Ang babae ay si Dr. Karen Halnon, 52. Pasahero ng American Airlines mula Nicaragua patungong Miami.

Nakunan ng video kung paano nagsindi ng sigarilyo si Halnon. Palinga-linga pa ito habang humihitit ng sigarilyo. Sa kaliwang kamay ay hawak niya ang lata ng softdrink at dito niya inilalagay ang abo ng sigarilyo. Ilang beses humithit at nagbuga ng usok ang doctor.

Nang magreklamo ang mga pasahero sa ginagawa ng doctor, agad niyang inilagay ang upos ng sigarilyo sa lata ng softdrinks at isiniksik sa pocket ng upuan.

Nang lapitan siya ng flight attendant at tanungin ukol sa paninigarilyo, sinabi niyang hindi siya naninigarilyo. Sa halip, itinuro niya ang lalaking katabi. Ito raw ang naninigarilyo at hindi siya.

Nang bumaba ang eroplano sa Miami International Airport, inaresto ng mga pulis si Halnon at kinasuhan ng disorderly conduct.

vuukle comment

AMERICAN AIRLINES

ANG

DR. KAREN HALNON

HALNON

ILANG

ITO

MIAMI INTERNATIONAL AIRPORT

NAKUNAN

NANG

NANGANGANIB

PALINGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with