^

Punto Mo

Mga abusadong driver, dapat matutukan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong nalalapit na ang holiday seasons kung saan ‘in demand’ na naman ang mga pampublikong sasakyan, partikular ang mga taxi, ngayon pa lang  marami ng mga pasahero ang nakakaranas na ng ilang pang-aabuso ng ilang pasaway na driver.

Ito ang dapat na matutukan ng mga kinauukulan sa pagbiyahe  na naman ng mga pasaway, bastos at abusado at  barumbadong driver.

Hindi pa man buwan ng Disyembre aba’y nasusumpungan na sa pagpapaimportante ng mga ito.

Kasama na nga dyan ang pagtanggi o pamimili ng mga pasahero. Pangongontrata at sapilitang pagpapadagdag sa bayad.

Eto pa marami sa mga yan ang hindi, nag-iisyu ng resibo na hindi ba’t patakaran na ito sa mga taxi.

Mukhang sa umpisa lang ito nabantayan ng mga kinauukulan, pero habang tumatagal eh napapabayaan.

May isa pang modus ang ilan sa mga ito, yung nakakalimutan  daw  ibaba ang metro,  nakalimutan o sadyang hindi ibinaba. Pagbaba ng pasahero doon na ito hihirit ng bayad na mistulang kontrata.

Hindi lang ang taxi, isama na dyan ang mga Uber at Grabcar.

Ayon nga sa BIR dapat mag-isyu na rin ang mga ito ng resibo sa kanilang mga pasahero.

Sana ay patuloy na mabigyan ng proteksyon ang publiko sa ganitong mga abusado at mga mananamantalang driver. Malaki ang inaasahan ng ating mga kababayan sa magagawa ng mga kinauukulang ahensya ukol dito.

vuukle comment

ANG

AYON

DISYEMBRE

ETO

GRABCAR

ITO

KASAMA

MALAKI

MGA

MUKHANG

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with