^

Punto Mo

Permanenteng evacuation center

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PANAHON na upang pag-aralan ng gobyerno ang pagtatayo ng mga permanenteng evacuation center sa iba’t ibang lugar sa bansa na madalas tamaan ng mga kalamidad tulad ng bagyo.

Taun-taon naman ay dumarating ang panahon ng tag-ulan at kasabay dito ang pagpasok nang malalakas na bagyo kaya naman paulit-ulit lang ang eksena ng mga paglilikas sa mga biktima.

Hindi bago sa mga Pilipino ang mga dumadating na mala­lakas na bagyo at ang naiiba na lang ay kung saang lugar ito tatama at  kung gaano ang lakas at epekto.

Dahil dito, marapat lang na magtayo na ng mga permanenteng evacuation center ang gobyerno upang hindi naman lalong maging kaawa-awa ang mga biktima ng kalamidad.

Kadalasan ay umaayaw ang mga mamamayan na agad lumikas kahit pa ito ay hinihikayat ng gobyerno dahil sa alam ng mga ito ang napakahirap na kalagayan sa evacuation center.

Madalas na gamitin bilang evacuation center ang mga basketball court, barangay hall o paaralan na hindi naman nakadisenyo para pansamantalang tirahan ng sinuman.

Pero kung magtatayo na ng permanenteng gusali ang gobyerno bilang evacuation center at ito ay i-disenyo sa paninirahan ng bawat pamilya tulad ng karampatang bilang ng mga comfort room at kitchen na maaring paglutuan upang makapamuhay pa rin nang normal.

Kung magiging maayos ang pasilidad ng evacuation center ay hindi na siguro kailangan pang pilitin na lumikas ang mamamayan at kapag may panganib ay agad na itong pansamantalang lilisan sa kanilang lugar.

Unahin lang muna ng national government ang mga lugar na laging nasa panganib ng kalamidad tulad nang malalakas na bagyo at pagbaha at ang mga mayayamang lungsod naman na may sapat na pondo ay maaring kumilos na rin para sa permanenteng evacuation center.

Sana naman, pagtuunan ito ng pansin ng gobyerno para tuwing sasapit ang tag-ulan at pagdating ng mga malalakas na bagyo ay nasa komportableng kalagayan ang mga apektado at biktima ng kalamidad sa bansa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CENTER

DAHIL

EVACUATION

KADALASAN

MADALAS

MGA

NAMAN

PERO

PILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with