^

Punto Mo

Gasolinahan, muntik masunog dahil sa spider na tinangkang patayin ng lalaki sa pamamagitan ng lighter

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGKARGA ng gasolina ang isang lalaki sa Detroit. Habang kinakargahan ng gasolina ang kanyang kotse, isang makamandag na spider ang nakita niyang gumagapang papasok sa loob ng sasakyan. Takot sa gagamba ang lalaki.

Dahil sa katarantahan ng lalaki, dinukot niya sa bulsa ang kanyang lighter at sinindihan para masunog ang spider. Huli na nang maisip ng lalaki na hawak niya ang gas pump. Sa isang iglap, nagliyab ang pump. Kumalat ang apoy.

Agad namang sumaklolo ang gas attendant at mabilis na napindot ang button para mag-automatic stop ang pump. At saka mabilis na tumawag ng bumbero.

Pero ang lalaki na rin ang nakapatay sa apoy nang mahagilap nito ang fire extinguisher sa paligid. Bago dumating ang mga bumbero, ganap nang naapula ang apoy. Kung hindi agad naapula, baka natupok ang buong gasolinahan.

Ganoon na lamang ang pagso-sorry ng lalaki sa attendant.

Napailing-iling ang attendant. Dahil sa kaistupiduhan ng lalaki, muntik nang masunog ang kanyang binabanta­yang gas station.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

GANOON

HABANG

HULI

KUMALAT

LALAKI

NAPAILING

PERO

TAKOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with