^

Punto Mo

EDITORYAL - Depektibong Christmas lights, nagkalat na naman

Pang-masa

HINDI kumpleto ang Pasko kapag walang Christmas lights na kumukuti-kutitap. Kahit sa mga gigiray-giray na barungbarong ay may Christmas lights. Masaya ang Pasko kapag may papalit-palit na ilaw na iba’t iba ang kulay.

Ang ganitong pagkahilig ng mga Pinoy sa mga Christmas light ang sinasamantala ng mga negosyanteng gumagawa ng mga patakbuhing Christmas lights. Kikita sila nang limpak kapag naibenta ang kanilang mga kumukutitap na ilaw. Ipinagbebenta nila nang mura ang kanilang Christmas lights. Ang isang bungkos na binubuo ng 50 lights ay P45 lang. Mayroong ibinibenta ito ng 3 for 100. Murang-mura!

At dahil mura, pinag-aagawan ang mga ito sa bangketa. Nakalatag sa sidewalk sa Recto, Divisoria, Rizal Avenue, Carriedo, Raon, Quiapo at ganundin sa Cubao at Baclaran. Iglap lang at ubos ang mga Christmas lights.
Noong nakaraang taon na papalapit ang Pasko, maraming naganap na sunog sa Metro Manila. May nangyaring sunog sa Tondo, Pasay, Commonwealth, Caloocan at iba pang lugar. At ang pinagmulan ng sunog, mga depektibong Christmas lights. Nasunog ang mga wiring ng Christmas lights at doon nagsimula ang apoy. Nadilaan ang kurtina sa bintana at sa isang iglap naging impiyerno ang lugar. Maraming nadamay na mga bahay. Dahil sa depektibong Christmas lights, maraming nawalan ng tirahan at naging malungkot ang Pasko.

Depektibong Christmas lights din ang dahilan nang kamatayan ng anak na babae ni dating House Speaker Jose de Venecia. Nasunog ang Christmas lights na nakasabit sa hagdan at nilamon ng apoy ang kabahayan. Nakulong ang anak ni De Venecia sa kuwarto.

Paigtingin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagkumpiska sa mga depektibong Christmas lights sa bangketa. Ipaalala sa mga tao na piliin ang mga Christmas lights na dumaan sa quality control at may ICC markings. Huwag isugal ang buhay sa mga mumurahing pailaw.

 

vuukle comment

CHRISTMAS

DE VENECIA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DEPEKTIBONG CHRISTMAS

HOUSE SPEAKER JOSE

LIGHTS

METRO MANILA

NASUNOG

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with