^

Punto Mo

Lalaki sa UK, nagkunwaring comatose sa loob ng 2 taon para hindi makulong

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG manggagantso sa United Kingdom ang nagkunwaring comatose upang makaiwas sa ipapataw na parusa kaugnay sa panlolokong ginawa niya sa kapitbahay. Dinemanda siya ng kapitbahay.

Niloko ni Alan Knight ang kanyang matandang kapitbahay na may Alzheimer’s disease at ninakawan ng 40,000 British pounds. Sinampahan siya ng reklamo matapos matuklasan ang krimen na kanyang ginawa.

Ngunit naudlot ang pag­lilitis kay Alan nang ipaalam ng kanyang asawa sa korte ang malubhang kalagayan nito. Comatose daw ito. Paralisado ang mga braso at binti.

Umabot ng dalawang taon ang pagkukunwari ni Alan bago siya nahuli. Nabisto ang kanyang pagpapanggap nang makunan ng CCTV sa ospital kung saan siya naka-confine. Nakita siya ng mga doctor na nagsusulat. Nakita rin siya ng mga pulis sa CCTV ng isang supermarket na naglalakad ng normal na parang walang kapansanan.

Matapos mabisto, binalaan si Alan na matutuloy na ang paglilitis sa kanya pumunta man siya o hindi sa korte kaya naman napilitan na siyang magpakita. Umamin siya sa mga panlolokong ginawa kasama na ang pagpapanggap na siya ay comatose at may kapansanan.

Wala pang hatol sa kaso ni Alan ngunit inaasahang sesentensiyahan siya sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

ALAN KNIGHT

DINEMANDA

MATAPOS

NABISTO

NAKITA

NGUNIT

NILOKO

SIYA

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with