^

Punto Mo

Mga paalala

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

MADALI at simple lang ang buhay at minsan tayo lang ang nagpapahirap nito. Narito ang mga paalala na maaaring makapagpagaan sa buhay.

Kung gusto ng kasaganaan at kagandahan, matutong magsakripisyo. Mas malaki ang inaasam, mas malaki rin ang sakripisyo.

Kung tatanggalin ang mga kalabisan at karangyaan sa buhay, matatagpuang kakaunti lang naman pala ang talagang ka­ilangan at kaya pa ring mabuhay na iyon lamang ang mayroon.

Mas mainam pang kamuhian sa pagiging totoo kaysa mahalin sa pagiging huwad. Magpakatotoo.

Maraming namamatay sa maling akala. Don’t assume. Kung may gustong malaman, magtanong.

Kapag nagdadahan-dahan, mas matagal malalasap at masisilayan ang ganda ng mga bagay.

Ang kalungkutan ay lumalakas kapag hinaharap ngunit humihina kapag hindi pinapansin. Sikaping lumigaya, kaysa magpakalugmok sa kalungkutan.

Mabuting magbigay kapag hinihingan. Pero mas mainam ang magbigay ng kusa.

Kapag nawawala, doon ka mas nakakadiskubre at nakakahanap ng mga bagay-bagay. Masaya ring maligaw paminsan-minsan.

Ang pagtanda ay isang paglalakbay, siguruhing lasapin ang bawat sandali nito.

Kayang baguhin ng pagmamahal ang takbo ng iyong mundo. Pero Diyos lang ang kayang bumago sa puso ng tao.

Kapag sa tingin mo ay walang-wala ka na, Siya ay may inihahanda.

 

vuukle comment

KAPAG

KAYANG

MABUTING

MAGPAKATOTOO

MARAMING

MAS

MASAYA

NARITO

PERO DIYOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with