^

Punto Mo

Epektibo ba ang aspirin?

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

“Ako ay 42 anyos na lalaki. Nag-eehersisyo ako madalas. Nabasa ko ang tungkol sa aspirin. Bagay ba ito sa akin, Dok?”

Oo. Napakagandang gamot ang aspirin. Napatunayang mapipigil ng aspirin ang istrok at atake sa puso. Ngunit may dapat tayong alamin bago uminom nito.

Ayon sa maraming pagsusuri, ang aspirin ay nababagay  sa mga sumusunod na sakit:

1. Makatutulong ang aspirin kung kayo ay nagkaroon na ng atake sa puso o istrok (iyung istrok na may bara sa utak, dalawa kasi ang klase ng istrok).

2.  Mabisa rin ang aspirin sa mga taong may diabetes, may sakit sa puso at may mataas na kolesterol.

Side effect ng aspirin

Ngunit dapat ding mag-ingat sa pag-inom ng aspirin dahil maaaring  mangasim ang sikmura at magka-ulcer. Kung madalas humapdi ang iyong sikmura, magtanong muna sa doktor bago uminom ng aspirin. Dahil dito, pinapayuhan ng mga doktor ang pasyente na kumain muna bago uminom ng aspirin para may laman ang tiyan. At saka, may pailan-ilang pasyente ang allergic sa aspirin.

Ano ang dosis ng aspirin?

Ang tamang dosis ng aspirin ay 80 mg bawat araw. Isang murang brand ay ang Aspilet, na piso lang bawat tableta. Kung humahapdi ang sikmura mo sa 80 mg aspirin, palitan ng 30 mg aspirin. Ang brand name ng Aspirin na 30 mg ay Cor 30 ng Pascual Laboratories. Abot kaya ito.

Ano ang puwedeng ipalit sa aspirin?

Kung hindi ka makainom ng aspirin dahil sa ulcer o allergy, may puwedeng ipalit ang iyong doktor. Ito ay mabisa pero mas mahal na gamot – ang Clopidogrel (brand name Plogrel) na nagkakahalaga ng P30 bawat tableta.

Ngayong alam mo na kung para saan ang aspirin at side effect nito, makakapagdesisyon ka na, sa tulong ng iyong doktor, kung bagay sa iyo ang aspirin. God bless po!

vuukle comment

ABOT

ANO

ASPILET

ASPIRIN

AYON

BAGAY

CLOPIDOGREL

DAHIL

NGUNIT

PASCUAL LABORATORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with