^

Punto Mo

Sayang na sayang

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Sayang at ang batas nitong ating bansa

sa panahong ito’y binabalewala;

Ang mga mapera’y nagwawalanghiya

umuupa sila nang taong masama!

 

Sayang at nagkalat sa mga lansangan

mga taong-hudas masama ang pakay;

Pinapatay nila’y mga kasamahan

sa hangad masunod hilig ng katawan!

 

Sayang at maraming namamatay ngayon

dahil nagkalat na ang mga simaron;

Sa lahat ng dako saanman paroon

tanging kamatayan siyang panginoon!

 

Sayang at wala nang bisa ang pag-ibig

ng puso sa puso kung may nilalangit;

Naghahari ngayon ay malubhang inggit

kaya buhay natin biglang napapatid!

vuukle comment

MASAMA

NAGHAHARI

NAGKALAT

NANG

NGAYON

PINAPATAY

SAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with