^

Punto Mo

Mga kolorum mawalis na kaya?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ISANG milyong multa ang nais na ipatupad ng LTFRB at LTO sa mga mahuhuling kolorum na bus.

Aksyon ito ng mga naturang ahensya matapos nga na madawit sa iba’t ibang aksidente ang ilang bus na natuklasan ngang mga kolorum pala.

Hindi lang kolorum na bus ang target ngayon ng mga kinauukulan kundi iba pang pampublikong sasakyan.

Sa mga kolorum na UV express na mahuhuling patuloy na pumapasada sa mga lansangan nais nila itong pagmultahin ng P200,000; sa taxi ay P120,000 at P50,000 naman sa mga kolorum na jeep.

Mabigat ang ganitong kaparusahan at multa pa lamang ito wala pa ang ibang sanctions ng mga naturang ahensya.

Kung maipapatupad at magkakaroon ng ngipin na ito ay maisagawa aba’ y siguradong magluluwag ang mga lansangan sa Metro Manila.

Baka sa mga bumibiyaheng pampublikong sasakyan  nasa kalahati ng kabuuang bilang  ang kolorum lalo na nga sa mga bus.

Panahon pa lang ni dating MMDA chairman Bayani Fernando libu-libong mga pampasaherong bus na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA ang sinasabing kolorum.

Nang maupo si Chairman Francis Tolentino ito rin ang kanilang ipinangako na wawalisin sa lansangan pero marami pa rin ang nakakalusot at patuloy na bumibiyahe at ang masakit pa nito malalaman lang na kolorum kapag nasangkot na sa aksidente.

Kung ang panibagong panukala ay tuluyang maipapatupad na walang sisinuhin pihadong makakatulong ito sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko.

Kailangan nga lang ser­yoso at may ngipin  sa pagpapatupad dito para na rin madisiplina ang mga pa­saway na operators at drivers.
Hindi sana puro salita, kundi dapat ay may kalakip na gawa.

vuukle comment

AKSYON

BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

KAILANGAN

KOLORUM

MABIGAT

METRO MANILA

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with