^

Punto Mo

10 paraan sa paghawak ng pera (2)

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

KARUGTONG nang lumabas noong Biyernes.

c. 70-20-10 Principle. Ito ang isa sa mga principles na aking sisimulan ngayong 2014. Sabi nina Garcia, kapag may pumasok na pera ay dapat hatiin ito sa tatlong bahagi. Ang unang 10% ay para sa Diyos (tithe), ang rason nila rito ay 10 kapat lang naman ng 100 porsyentong ipinagkakaloob sa iyo ng Diyos ang ibabalik mo sa Kanya. Ang 20% diretso savings at hindi na dapat galawin pa sana; at ang nalalabing 70% ay revolving funds. Kung kaya mong lakihan ang savings at mas maliit para sa expenses, mas mainam.

6.  Gamitin ng tama ang pera. Ang perang itinabi ay perang kinita mo. Malaki-laking halaga rin siguro ang masi-save mo kung hindi mo ginagastos sa iyong mga luho at bisyo. Halimbawang maaari mong ibawas sa iyong gastusin para hindi lang maka-save kundi para na rin mas gumanda ang kalusugan mo.

7.  I-monitor ang income at expenses. Mas magiging klaro sa iyo kung ano ang iyong pinagkakagastusan kung itatala mo silang lahat. Kahit pa credit card ang ginamit mo, ang lahat ng ito ay piso ang katumbas. Pera pa rin iyan.

8.  I-evaluate ang iyong income at expenses, relative sa iyong budget. Kapag inilista mo na ang lahat at tiningnan kung umover o under budget ka, matitiyak mo kung saan ka nagkamali sa paghawak ng pera.

9. Commitment. Balewala ang lahat ng plano mo kung hindi mo naman ito masusunod. Kung biglang napadaan ka sa sale at may gustong bilhin, bago humugot ng wallet, tanungin muna sa sarili ang apat na bagay: Gusto ko ba ito? Kailangan ko ba ito? Kaya ko ba ito? Kapag may hindi sa kahit isa ay ibaba mo na iyan, pumikit at tumalikod at maglakad ka na pauwi. Self Control. Matutong magtimpi. Kung hindi naman kailangan, kahit pa gusto mo kung hindi mo naman kaya, huwag na. Ano iuutang mo pa? Pang-apat at pinaka-mahalagang tanong: Kagustuhan ba ito ng Diyos? Marahil ay nagtataka ka bakit nasingit ang Diyos sa usapan ng pagbili. Isipin mo, kalooban ba ng Diyos ang iyong pagbili ng wala sa budget? O kahit may budget ka. Is it His will in your life? Nararapat lamang dahil tinutulungan ka ng Diyos sa pagbangon sa pagkakautang, pagdedesisyon at mga nais mo sa buhay.

10. Unahin ang Diyos at ang lahat ng nais mo ay ipagkakaloob Niya sa iyo. Kailangan lang natin magtiwala sa kanya at unahin siya bago ang lahat ng ating interes, issues at aberya sa buhay. Kapag inuna mo ang Diyos, uunahin ka rin Niyang asikasuhin.

 

vuukle comment

ANO

BALEWALA

BIYERNES

DIYOS

KAILANGAN

KAPAG

KUNG

SELF CONTROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with