^

Punto Mo

Misteryosong portrait ng matanda at pangit na babae, ipinadala sa mag-asawa

- Arnel Medina - Pang-masa

GULAT na gulat si Keith Webb, 82,  at asawa niyang si Sue nang may dumating sa kanilang misteryosong portrait sa pamamagitan ng mail. Wala silang inaasahan na magpapadala sa kanila ng painting.

Lalong nagulat ang mag-asawa nang buksan ang nakabalot na portrait. Tumambad ang larawan ng isang matanda at pangit na babae. Hindi nila kilala ang nasa portrait.

Walang pagkakakilanlan sa portrait ng matandang babae. Ni kapirasong sulat o note ay wala. Hindi rin nakasaad ang pinanggalingan niyon.

Umapela ang mag-asawa sa kanilang mga kaanak na tu­lungan silang makilala kung sino ang matandang babae sa portrait. Hanggang sa isang kamag-anak sa Australia ang nagsabi na ang portrait na iyon ay dating nakasabit sa dingding ng bahay ng kanilang uncle sa Perth.

Ganunman, hindi naman malaman kung bakit sa kanya ipinadala ang portrait. At sino ang nagpadala.

Nakumbinsi si Keith na maaaring ang matandang babae ay kanyang great-great grandmother. Bagamat mayroon pa rin siyang alinlangan ukol dito. Ganunman, nabawasan ang kanyang pag-iisip ukol sa misteryosong portrait. Ayon kay Keith, gusto nilang sirain noon ang portrait ng babae.

vuukle comment

AYON

BAGAMAT

GANUNMAN

HANGGANG

KEITH

KEITH WEBB

LALONG

NAKUMBINSI

PORTRAIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with