^

Punto Mo

Isang hamburger ka lang!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ALAS-SIYETE ng gabi, kumatok sa gate ng aming bahay ang delivery boy ng hamburger fastfood. Nagulat ako dahil walang nag-oorder sa amin. Itinanong ko kung ano ang address at pangalan ng recipient sa order slip. Pangalan ng aking anak at address namin. Nagtaka ako dahil nang oras na iyon ay nasa barbekyuhan ang dalawa kong anak dahil iyon ang type nilang hapunan. Tamang-tama, biglang dumating ang dalawa kong anak kaya sila ang nakipag-usap.

Bayad na pala ang pagkain. May isang taong nag-order, nagbayad at ipinadeliber sa aming address. Hindi nakasaad sa resibo kung sino ang nagbayad. Nang malaman naming bayad na, aba, walang patumpik-tumpik naming tinanggap kaagad ang sangkaterbang hamburger, fried chicken, fries at spaghetti na sobrang napakarami para sa aming mag-iina. Nakakatuwa pala na may kasamang suspense ang ganoong sitwasyon. First time naming naranasan na biglang may nanlibre at hindi pa namin alam kung sino.

Matapos mag-imbestiga ang isa kong anak, nalaman niyang­ ang kanyang new girlfriend ang nagpadala ng pagkain. Magkikita raw sana sila pero hindi natuloy dahil masama ang pakiramdam ng aking anak. Pagkarinig na masama ang kanyang pakiramdam, nagdesisyon itong magpadala ng pagkain. Kaya raw pala itinanong kung sino ang kanyang kasama sa bahay sa kasalukuyan.

Pabiro akong nag-comment: “Huwag mo nang aawayin para kayo na ang magkatuluyan. Mahirap makakita ng maganda na, mabait at flawless pa at mahal na mahal ka.” Hindi ko na isinama ang salitang mayaman at baka pagbintangan akong mukhang pera.

Ikinuwento ko ang pangyayari sa aking ina at kapatid. Ang tanging  nasabi ng aking kapatid ay—“Cheap mo, ate, nakuha ka sa isang hamburger lang!”

Hindi iyon tungkol sa libreng pagkain. Nahulaan kong mapagmahal siyang babae dahil sa halip na ma-disappoint  sa aking anak dahil hindi matutuloy ang kanilang date, nagpadala na lang ito ng pagkain.

vuukle comment

ANAK

BAYAD

DAHIL

HUWAG

IKINUWENTO

ITINANONG

KAYA

MAGKIKITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with