^

Punto Mo

Lampong(137)

Pang-masa

“HELLO, Tita?’’

“Hello Jinky, may sakit nga ba ang baby mo?”

“Mainit ang katawan kanina, Tita.”

“Hanggang ngayon ba ay mainit pa rin?”

“Hindi ko pa nahihipo ang noo niya Tita.’’

“Hipuin mo. Paano mo malalaman kung mataas pa ang lagnat niyan.’’

“Mamaya titingnan ko kung mataas pa ang lagnat.”

“Ngayon mo na hipuin ang noo. Baka mataas na mataas.’’

“Sandali Tita at lalapitan ko si Baby.”

“Sige lapitan mo at maghihintay ako.’’

Habang hawak ang cell phone ay nilapitan ni Jinky ang anak na nasa crib. Di­nama ang noo nito. Naka­tingin naman si Dick at tila nakikinig. Tila tulala rin si Dick. Siguro’y dahil sa epekto ng ginawa ng super bagyong si Jinky kanina.

“Tita hindi na gaanong mainit si Baby,” sabi ni Jinky.

“Sigurado ka na hindi nilalagnat?”’

“Oo, Tita. Sigurado ako. Himbing na himbing na nga.’’

“Baka nagkakamali ka, Jinky?”

“Hindi Tita.”

“E ano ba ang mga pinaggagawa mo at nagkakasakit na ang anak mo ay hindi mo pa yata alam?”

“Ha e wala akong ginagawa Tita.”’

“Baka naman kung sinu-sino ang iyong…’’

Napahalakhak si Jinky. Tawang nanghaharot. Napasulyap kay Dick na nakatayo sa may sulok.

“Bakit ka nagtawa, Jinky?”

“Kasi nga sabi mo e kung sinu-sino ang aking inaano…Narito lang ako Tita. Hindi nga ako lumalabas. Maski­ itanong mo pa kay Tito Dick…”

“Nariyan pa sa kuwarto mo si Dick?”

“Ha e wala na. Wala na Tita. Sabi ko kahit tanungin mo pa si Tito Dick. Wala akong ginagawa kung anu-ano.’’

“Tawagin mo nga si Dick at kakausapin ko uli.”

“Sandali Tita at tatawagin ko ha? Pupuntahan ko sa kuwarto niya.”

Tinakpan ni Jinky ng palad ang cell. Nilapitan si Dick.

“Gusto kang makausap ni Tita,” pabulong na sabi.

Iniabot ang cell kay Dick.

“Hello Puri?”

“Dick. Ang bilis naman yatang nakalabas ng kuwarto si Jinky at tinawag ka.”

“Ah oo kasi’y nandito lang naman ako sa labas.”

“Pakitingnan mo nga ang baby ni Jinky. Baka nilalagnat pa.”

“Oo sige Puri.’’

Hindi alam ni Dick na nasa likuran na pala niya si Jinky at yumayakap sa kanya. Nakikiliti siya.

Bigla siyang napahagikgik.

“Ba’t ka nagtawa, Dick?” tanong ni Puri.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DICK

HELLO JINKY

HELLO PURI

JINKY

SANDALI TITA

TITA

TITO DICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with