^

Punto Mo

Lampong(136)

Pang-masa

HINDI mapigilan ni Dick ang ginagawa ni super typhoon Jinky. Masyadong mabangis ang bagyo na hinihigop ang kanyang pagkatao. Unti-unti na siyang buma­bagsak sa bitag. Pero ano ang magagawa niya? Lumalaban siya pero mas malakas ang alimpuyo ng hanging bagyo. At lalaki siya. Nasa kainitan pa at ang bagyong si Jinky ay masyadong mapangahas. Lahat ay gustong tikman. Bibigay na si Dick. Bibigay na ang kanyang pagka­maginoo. Naibaba ni Dick ang hawak na cell phone sa ibabaw ng kama. Naaabala pa siya habang hawak ang cell phone.

Nang masdan niya si Jinky, naalala niya ang sanggol na nasa crib habang nakasubo ang tsupon. Ganung-ganoon ang ginagawa ni Jinky. Sanay na sanay na si Jinky. Sabagay ano pa ba ang aasahan niya kay Jinky na ilang lalaki na ang nakita niyang kasama nito.

Nasa rurok si Dick sa ginagawa ni typhoon Jinky nang big­lang mag-ring ang cell phone.

Shit! Nasabi ni Dick. Abala pa. Pero tila walang epekto kay super typhoon Jinky ang pag-ring ng cell phone. Walang paki­alam. Tuloy sa gina­gawang paghigop ang bagyo.

Dinampot ni Dick ang cell phone. Si Puri ang tumatawag!

“Puri! Hello Puri!”

“Bakit ka tumawag, Dick?”

Nakita marahil ni Puri ang missed call. Kanina, napindot na niya ang number ni Puri bago pa siya niyakap ni Jinky at ginawa ang “kahalayan’’.

“Ah oo. K-kasi’y itatanong ko kung anong gamot ang para sa baby.”

“Baby ni Jinky?”

‘‘Oo.’’

“Bakit anong nangyari sa baby?”

“Nilalagnat.’’

“Teka nasaan ba si Jinky?”

“Ha e nasa kuwarto. Nasa kuwarto!”

“Kakausapin ko.’’

Sinenyasan ni Dick si Jinky na tumayo. Sumunod naman si Jinky. Binitawan ang “ginagawa”.

“Teka at tatawagin ko si Jinky. Huwag mong ibaba.’’

“Sige. Tawagin mo. Baka kung anu-ano ang ginagawa niya kaya nagkasakit ang anak.’’

Tinakpan ni Dick ang cell phone para hindi marinig ang pag-uusap nila ni Jinky.

“Kakausapin ka raw ng tita mo Jinky.’’

“Bakit daw, Tito Dick?”

“Basya kakausapin ka.”

Muling kinausap ni Dick si Puri.

“Puri, eto na si Jinky.”

Kinuha ni Jinky ang phone.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

BIBIGAY

DICK

HELLO PURI

JINKY

KAKAUSAPIN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with