^

PSN Opinyon

‘No Plate, No Travel’ policy ng gobierno palpak

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BAKIT hanggang ngayon papasok na ang 2013 dahil ilang tulog na lamang ay pakaang-kaang pa rin ang gobierno sa kumpanyang supplier ng car plates para sa mga bagong sasakyan?

 Bakit?

 Dahil hindi pumasa sa panlasa o sa standard ng Land Trasportation Office at ng DOST ang requirement para sa isinumite nilang car plates na dapat gamiting ng mga brandnew vehicle.

 Sabi nga, palpak!

 Mukhang nagkawindangan sa DOTC ng magkaroon ng public bidding tungkol dito?

 Nagka-aregluhan kaya?  Sino ang kumita?  Mayroon ba?

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ngayon ang malaking katanungan na bumabalot sa mga walang plakang sasakyan.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkatutak na madlang pinoy ang nakabili ng mga brandnew vehicle tulad ng motorsiklo, truck, jeep at tsikot binayaran na rin nila ang plaka para sa kanilang sasakyan pero up to now 8 months na wala pa rin ito.

 ‘asan ang perang ibinayad sa mga car plate kung ibinangko ito aba hindi ito birong halaga?’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘kanino napunta ang tubo from the bank?’

 Naku ha!

Totoo kaya ito?

 Ang tindi rin naman ng kumpanyang may hawak ng kontrata ng pagawa ng plaka ng LTO, biruin nyo halos walong buwan ng walang nagagawang plate number pero hindi pa rin kinakansela ang kontrata nila!

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon panahon ni dating LTO chief Bert Suansing kinansela rin pala ito dahil hindi ito nakapag-deliver ng mga car plate noon panahon ni LTO chief Art Lomibao kaya ng umupo si Bert sibak sila >

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpalit lamang ng pangalan ang kumpanya at muling sumali ito sa bidding nagtataka tayo kung bakit sila muli ang nanalo dahil sila-sila rin  ang nagma-maniobra sa pinaguusapan natin issue.

 Naku ha!

 Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung totoo man ito aba ‘super’ lakas sila?

Sino ang padrino nila sa gobierno o DOTC?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon nagsisimula na mag- manufacture ulit ang mga kamote ano ba naman ‘TUWID NA DAAN’ ba ito ni P. Noy?

‘Bakit kailangan natin magtyaga ng 8 buwan?’ tanong ng kuwagong nilagyan ng salapi.

‘ang daming kotse na ‘no plate available’ ang nakakadagdag sa dami ng krimen na nangyayari ?’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘mukhang malakas ang kumpanyang ito o malakas lang bumunot?’ ‘mukhang may ‘magic’ na nangyayari under the table sa mga kasangga nilang opisyal sa LTO AT DOTC  kaya nagbubulagbulagan at nagbibingi-bingihan sa ginagawang pagkalampag ng mga brand new car vehicle?’

 ‘pati ang ‘no plate, no travel’ policy ng gobierno ay walang nangyari.

 Bakit? Abangan.

Pera sa paputok malaki

 WALANG political will ang gobierno kaya naman ang pagbabawal sa mga paputok ay isang ningas - cogon lamang.

 Halos lumawit at mapatid ang litid ng mga opisyal ng DOH, na mag-ingat sa mga paputok o huwag ng magpa-putok para malayo sa disgrasiya kaya naman taon-taon nilang isinisigaw ito sa madlang public pero wala naman nangyayari.

 Bakit? Malaki ang pera sa paputok.

 Sabi nga, billion of pesos industry ito!

 Magpakita lamang ng political will ang gobierno at ipagbawal, hulihin, parusahan, kasuhan, pagmultahin ng malaki o ikulong ang sinuman lalabag sa kanilang utos tiyak wala ng gagawa at bibili ng paputok.

 Bakit? Walang gustong magka-kaso!

Hindi ipinagkakait ng mga kuwago ng ORA MISMO, na kumita ang madlang pinoy sa pagbebenta ng paputok ang asking natin bakit palakas ng palakas ang mga ginagawang paputok kahit na inaanunsiyo ng gobierno na may limitasyon at bawal ito.

 Bakit?

 Alam ng madlang people ang kampana este mali kampanya ng gobierno laban sa mga malalakas o super lakas na mga paputok pero bakit ito nabibili pa rin sa mga lansangan at pagkatapos ay huhulihin.

 Ang gulo hindi ba?

 ‘maraming super lakas na paputok ang pinaghuhuli the other week pero asan ang mga ito ngayon?’

 ‘sinira ba, pinaputok ba o ibinenta ulit?’ Asan nga ba?

 ‘ano sa palagay ninyo mga Kamote?’ tanong ng kuwagong nalagyan. Kayo ang sumagot!

AYON

BAKIT

LSQUO

PAPUTOK

RIN

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with