^

Balita Ngayon

94% ng mga Pinoy positibo sa pagpasok ng 2014

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit sa dami ng pinagdaanan ng Pilipinas ngayong 2013, nananatiling positibo ang mga Pilipino sa pagpasok ng bagong taon, ayon sa isang survey.

Lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) na 94 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang magiging maganda ang taong 2014 para sa kanila.

"Compared to those who entered 2013 with hope, the percentages of those who will enter 2014 New Year with hope increased in Mindanao but hardly changed in the other three areas," sabi ng SWS.

Pag-asa ang isasalubong ng 97 percent at 93 percent ng mga tinanong mula sa Balance Luzon at Visayas imbis na takot sa maaaring kaharapin.

Kahit binayo ng bagyong Yolanda at niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang Visayas hindi nagbago ang panananaw nila sa pagpasok ng bagong taon, gayun din sa Luzon.

Tumaas naman ng pitong puntos ang pagiging positibo ng mga taga Mindanao mula sa 85 percent noong 2012 na naging 92 percent ngayon.

Sinabi pa ng SWS na pangalawa sa pinakamataas ang naitalang 94 percent sunod sa 95 percent noong 2002 at 2011.

Noong nakaraang taon ay nasa 92 percent ang mga positibong Pinoy.

"Hope with the coming year has customarily been at high levels, starting at 87 percent when SWS first polled about it in December 2000 and 88 percent in December 2001," sabi ng SWS.

Isinagawa ang survey noong Disyembre 11 hanggang 16 kung saan ginamit ang harapang pakikipagpanayam sa 1,550 adults sa buong bansa.

 

vuukle comment

BALANCE LUZON

DISYEMBRE

ISINAGAWA

KAHIT

MINDANAO

NEW YEAR

PILIPINO

SOCIAL WEATHER STATIONS

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with