^

Balita Ngayon

Computerized image ng 3 CDO blast suspects inilabas ng PNP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglabas na ng computerized image ang Philippine National Police (PNP) ng mga suspek sa pagsabog sa isang bistro sa Cagayan de Oro City kung saan walong katao ang nasawi.

 Si PNP chief Director General Alan Purisima mismo ang nagpakita ng larawan ng tatlon suspek sa isang pulong balitaan sa Camp Crame ngayong Lunes.

“Itong mga sketches na ito lang ay mga probable [suspects] . . . evidence wise hindi pa but we have leads,” sabi ni Purisima.

Kaugnay na balita: ‘Bomber’ sa CDO may mukha na

Inilarawan pa ni Purisima ang unang suspek na may tindig na naglalaro sa 5”5 hanggang 5”6 at bigat na 60 hanggang 65 kilograms, kayumanggi ang kulay ng balat, at edad na nasa 20 hanggang 30.

Nasa edad 40 naman ang pangalawang suspek na may tindig din na nasa 5”5 hanggang 5”6 at bigat na 60 hanggang 65 kilograms, nakasuot ng brown na T-shirt at pantalon.

Mas maliit naman ng kaunti ang pangatlong suspek na nasa 5”4 hanggang 5”5 at bigat na 60 hanggang 65 kilograms. Nakita itong naka gray T-shirt, sumbrero, at salamin sa mata.

Nabuo ang imahe ng tatlong suspek mula sa paglalarawan ng mga saksi at nabuhay na biktima.

Anim na katao ang kaagad nakitil sa pagsabog ng Kyla’s Bistro bandang alas-11 ng gabi nitong Biyernes, habang dalawa pa ang nasawi kahapon at kaninang umaga.

Nakilala ang nasawi an sina Atty. Antonio Paredes, Dr. Erwin Malanay, Dr. Marciano Agustin, Unilab executive Reynaldo Dalupan and pharmaceutical representatives Manny Falafox, Anthony Canete at Ryan Saso Estose.

Kaugnay na balita: 8 na bilang ng mga nasawi sa CDO blast

Aabot sa 50 katao naman ang sugatan sa pagsabog na hanggang ngayon ay inaalam pa rin ang responsable sa pag-atake.

"Ayaw natin i-dicuss ngayong investigation is ongoing. We are employing all the resources of the government actually pati LGUs ginagamit na natin dito, and hindi lang sa CDO kahit sa surrounding areas," sabi ni Purisima.

 

vuukle comment

ANTHONY CANETE

ANTONIO PAREDES

CAMP CRAME

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DR. ERWIN MALANAY

DR. MARCIANO AGUSTIN

HANGGANG

KAUGNAY

PURISIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with