^

Probinsiya

Army detachment sa BARMM hinagisan ng Granada

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Army detachment sa BARMM hinagisan ng Granada
Mahigpit ang pinatutupad na checkpoint at pagbabantay ng mga pulis sa entry at exit routes na kumokonekta sa Cotabato City patungong Maguin- danao del Norte at Maguindanao del Sur matapos ang magkasunod ng grenade attack sa nasabing mga probinsya, at bilang seguridad na rin sa nalalapit na Bangsamoro Parliament Elections (BPE) sa BARMM na itinakda sa Setyembre 14.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Isa na namang motorcycle rider ang naghagis ng granada sa isang Army detachment sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Sabado ng gabi, 12 oras lang matapos ang ginawang kaparehong pag-atake ng riding-in-tandem suspects sa isang military truck na ikinasugat ng dalawang sundalo at tatlong sibilyan.

Sa nasabing grenade attack nitong Sabado, walang naiulat na nasugatan sa mga sundalo na nasa detachment ng Charlie Company ng Philippine Army 7th Infantry Battalion sa kahabaan ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Macaguiling, Sultan Kudarat. Gayunman, subalit ang pagsabog ay nagsanhi ng pagsabog sa mga residente sa lugar.

Ayon kay Police Capt. Steffie Salanguit, spokesperson of PRO-BAR, ang motorcycle-riding bomber ay agad tumakas patu­ngong timog ng Sultan Kudarat matapos na mag­hagis nga granada sa loob ng may bakod na Army detachment. Nakunan ang insidente ng  security camera na sinuri na ng mga imbestigador ng Sultan Kudarat Police Station sa pangunguna ng hepe na si Lt. Col. Basher Lindo.

Sinabi kahapon ng mga lokal na opisyal sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur na sakop ng Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na ang magkasunod na pag-atake ng mga armadong sakay ng motorsiklo na target ang mga sundalo ay bilang ganti ng mga natitirang kasapi ng nabuwag na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) dahil sa pagkakapaslang ng tropa ng pamahalaan nitong buwan, sa kanilang lider na si Esmael Ti­ngan Abubakar, matapos makaengkuwentro ang joint police at Army ope­ratives sa Sitio Tambak, Barangay Calsada, Sultan Kudarat kamakailan.

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with