^

Probinsiya

2 ‘tulak’ na naaresto sa hotel sa Baguio, kinasuhan ng NBI

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Nagsampa na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang National Bureau of Investigation-Cordillera (NBI-CAR) laban sa dalawang suspek na naaresto sa isinagawang sting operation sa isang hotel sa kahabaan ng Marcos Highway, kung saan nasamsam umano ang tinatayang 9.3 gramo ng shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.

Sa resolusyong inilabas noong ­Hulyo 17, in-inquest ni Prosecutor Oliver Isabelo D. Prudencio, may sapat na batayan upang sampahan si Mabelle Garcia Valle, alyas “Mhabzky Valle,” ng kasong paglabag sa Sections 5, 12 at 15 ng Republic Act 9165 kaugnay ng umano’y pagbebenta ng shabu, pag-iingat ng drug paraphernalia at paggamit ng ilegal na droga.

Samantala, ang isa pa na si Jo Feder­ico de Vera Buenavista, alyas “Joco,” ay kinasuhan ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng parehong batas dahil sa umano’y pagbebenta at pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot.

Ang dalawa ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation noong Hulyo 16 matapos silang magbenta ng tinatayang 7.63 gramo ng shabu sa isang poseur-buyer ng NBI sa loob ng hotel.

Narekober din umano kay Buenavista ang karagdagang 1.65 gramo ng hinihinalang shabu, bukod pa sa drug paraphernalia at iba pang hinihinalang ilegal na droga na nakuha sa isinagawang body search.

Ayon pa sa NBI-CAR, nagpositibo sa ultraviolet examination ang fluorescent powder sa mga kamay ng dalawang suspek at sa marked money na ginamit sa operasyon. Kapwa rin umano sila nagpositibo sa paggamit ng shabu sa isinagawang drug test.

CAR

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with