Bagong laya sa NBP, timbog uli sa droga
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Balik-kulungan ang isang notoryus na tulak ng droga na kalalaya pa lang sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City matapos na dumayo at maaresto sa ginawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok-4, Brgy. Rawis, dito sa lungsod kamakalawa ng hapon.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Dexter Tularam Luyon, 52-anyos, ng Brgy. Talon, Las Piñas City, Metro Manila.
Ayon kay PDEA-Albay provincial officer lll Noe Briguel, kalalabas lang ng suspek sa Bilibid dahil sa kaparehong kaso. Gayunman, imbes na magbagong buhay, pinili ni Briguel na muling bumalik sa iligal na gawain at dumayo pa ng lugar kaya dakong ala-1:20 ng hapon nang kumagat siya sa inilatag na buy-bust ng PDEA agents ay mabilis na inaresto makaraang iabot nito sa poseur buyer ang biniling droga.
Nabawi kay Luyon ang isang bungkos na plastik na may lamang 100-gramong shabu na nagkakahalaga ng P240,000 at ang boodle money na ginamit sa buy- bust.
- Latest