^

Probinsiya

Drug queen, 1 pa timbog sa P2.7 milyong shabu

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Drug queen, 1 pa timbog sa P2.7 milyong shabu
Kinilala ang supek na si Lalaine Dionisio alyas “Drug Queen”, 30, dalaga, at Cherry Pie Ibo, dalaga, 29, kapwa residente ng Sitio Sampalukan, Brgy. Calvario.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang binansagang “Drug Queen” kabilang ang kanyang kasama matapos mahulihan ng P2,733, 600 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya kahapon ng madaling araw sa Sitio Sampalukan, Brgy. Calvario ng nasabing lungsod.

Kinilala ang supek na si Lalaine Dionisio alyas “Drug Queen”, 30, dalaga, at Cherry Pie Ibo, dalaga, 29, kapwa residente ng Sitio Sampalukan, Brgy. Calvario.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, ikinasa ang operasyon ng Meycauayan police station katuwang ang PDEG SOU3 bandang 1:45 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report, nabilhan umano ng isang medium size transparent plastic sachet ng shabu ang drug queen ng poseur buyer kapalit ang totoong P1,000 bill na pinaibabaw sa bundle ng pekeng pera.

Dahil dito, agad siyang inaresto at nang kapkapan ay nakunan pa ng tatlong medium size plastic sachet, habang 2-sachets ng hinihinalang shabu ang nakuha rin umano kay Cherry kaya kapwa sila inaresto.

Narekober sa operasyon ang tinatayang 402 gramo ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P2,733,600.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with