Army, PNP sa Oriental Mindoro tumanggap ng P600,000 ayuda
MANILA, Philippines — Nabiyayaan ng P600,000 na halaga ng ayudang pagkain at cash ang mga miyembro ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP) sa Oriental Mindoro mula kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Tingog Partylist at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa isang simpleng seremoya sa Oriental Mindoro kamakalawa, ang 402nd Infantry Brigade ng Army at Region IV-B MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Regional Police ay tumanggap ng P300,000 halaga ng tulong.
Kabilang dito ay tig-P200,000 halaga ng supplies tulad ng bigas, delatang pagkain at noodles at tig-P100,000 cash ang tropa ng PNP at Phil. Army.
Si Deputy Secretary General Sofonias Gabonada Jr. , ang kumatawan kay Romualdez sa turnover ng ayuda sa mga uniformed personnel.
Ang Philippine Army ay kinatawan naman ni Brig. Gen. Adonis Ariel Orio habang ang PNP-MIMAROPA ay kinatawan naman ni P/Brig. Gen. Kirby Brion Kraft.
- Latest