^

Probinsiya

P358 milyong yosi samsam sa pabrika sa Cavite

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa P358 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo mula sa dalawang pabrika at isang bodega ang nakumpiska ng awtoridad sa isinagawang mga pagsalakay sa Cavite noong Huwebes.

Umaabot sa 3.12 milyong pakete ng mga pekeng sigarilyo at walong makina ang  nasamsam ng mga ahente ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Bureau of Investigation (NBI) sa magkasabay na pagsalakay sa Dasmariñas City at Indang, Cavite.

“Bahagi ito ng direksyon ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na paigtingin pa ang kampanya laban sa ilegal na siga­rilyo, para mapunuan ang bilyong piso na nawawala sa kaban ng bayan dahil sa ilegal na gawaing ito. Bukod sa nagdudulot ito ng higit na panganib sa kalusugan ng taong bayan, napakalaki rin ng negatibong epekto nito sa ekonomiya ng bansa,” sabi ni Eric Diesto, BIR regional director for Revenue Region No. 9A-CaBaMiRo (Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Min­doro, Romblon).

Sinabi naman ni NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD) chief Jesus Manapat na ang pinagsamang operasyon ay isinagawa para hadlangan ang mga crime syndicates at para protektahan ang mga tao mula sa mapamin­salang epekto ng iligal na sigarilyo.

Ang operasyon ay pinangunahan ni BIR Regional Investigation Division-CaBaMiRo chief Atty. Jason Torres at NBI-IPRD executive officer John Ignacio bilang bahagi ng pi­naigting na kampanya laban sa patuloy na paglaganap ng iligal na sigarilyo.

Sa unang pagsalakay, nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng NBI at BIR ang 1.6 milyong pakete ng mga ipinagbabawal na sigarilyo na may iba’t ibang brand na nagkakahalaga ng P184.7 milyon mula sa isang bodega sa Dasmariñas.

Ang pabrika sa Indang ay nakuhanan naman ng 1.1 milyong pakete ng pekeng sigarilyo na P126.6 milyon ang halaga, kasama ang dalawang makina sa paggawa ng sigarilyo at dalawang makina sa pagpakete.

Nadiskubre naman sa hiwalay na pabrika sa Dasmariñas ang dalawang cigarette making machines at dalawang cigarette packing machines kasama ang nakaimbak na 408,000 pakete ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P46.76 milyon.

vuukle comment

BIR

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with