^

Probinsiya

POGO hub ni-raid sa Tarlac: 875 empleyado nasagip

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
POGO hub ni-raid sa Tarlac: 875 empleyado nasagip
POGO RAID. Law enforcers find rows of mobile phones allegedly being used in scam transactions, during a raid at a POGO facility in Bamban, Tarlac on March 13, 2024
Photo courtesy of PAOCC

MANILA, Philippines — Nasa 875 katao ang nasagip kabilang ang mahigit 500 na dayuhan matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at iba pang units ng Phi­lippine National Police sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking, scam at illegal detention sa Bamban, Tarlac, kahapon.

Sa bisa ng dalawang search warrants na inilabas ni Presiding Judge Hermenegildo Dumlao II ng Regional Trial Court Third Judicial Region Branch 81 ng Malolos, Bulacan, sinabi ni PAOCC Usec. Gilbert Cruz na kasama ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG), Intelligence Group (IG), Women and Children Protection Center (WCPC), and the Northern Luzon Command (NOLCOM) sinalakay dakong alas-5 ng umaga ang POGO hub sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac na pagmamay-ari ng Zun Yuan Technology Incorporated.

Ayon kay Cruz, nag-ugat ang raid matapos ang reklamong isinampa ng isang Vietnamese national na nakatakas mula sa POGO hub nitong Pebrero 28, habang isa pang Malaysian national ang humingi ng tulong sa PAOCC dahil kinukulong umano sila sa compound na kanilang pinagtatrabahuhan.

Sa ginawang pagsalakay, umaabot sa 875 na empleyado ng POGO hub na kinabibilangan ng 371 Filipino; 432 Chinese national; 57 Vietna­mese; walong Malaysian, dalawang Indonesian, dalawang Rwandans; at tatlong Taiwanese ang naabutan ng raiding team na kasaluku­yang iniimbestigahan at kinakausap ng CIDG, habang ang mga tauhan naman ng Bureau of Immigration (BI) ay sinusuri ang mga dokumento ng mga foreign nationals.

Napag-alaman pa na sa nasabing operasyon ay nakakuha ang awtoridad ng mga scripts na kahalintulad sa mga love scam modus gayundin ang mga androids at smartphones na mayroong mga scam transactions.

Dahil sa mga nadiskubre ay mag-aaplay ang Anti Cybercrime Group ng cyber warrant sa pakikipagtulungan din sa Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with