^

Probinsiya

2 drug dealer tiklo sa P3.4 milyong shabu

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 drug dealer tiklo sa P3.4 milyong shabu
Nakakulong na ang dalawang shabu dealers na nakunan ng P3.4 milyon na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Cotabato City nitong Miyerku-les.

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P3.4 milyon na shabu sa dalawang dealers na nalambat nitong hapon ng Miyerkules dito sa lungsod.

Sa pahayag nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hindi na pumalag ang mga magkasabwat na sina Kuyat Sansaluna Sangcala at King Fahad Mantuwang Ganoy nang arestuhin matapos iabot ang 500 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P3.4 milyon, sa mga agents na nagpanggap na mga sugapa sa illegal na droga.

Ayon kay Castro, katuwang ng PDEA-BARMM sa naturang matagumpay na entrapment operation sa isang bahagi ng mataong Sinsuat Avenue sa Barangay Rosary Heights 10 sa Cotabato City ang mga unit ng Cotabato City Police Office, ang 5th Marine Battalion at mga kasapi ng National Bureau of Investigation.Nakapiit na sina Sangcala at Ganoy sa detention facility ng PDEA-BARMM sa PC Hill sa Cotabato City.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with