^

Probinsiya

P2.7 milyong imported na sigarilyo, nasabat

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P2.7 milyong imported na sigarilyo, nasabat
Mismong si Sultan Kudarat municipal police chief Lt. Col. Esmael Madin at si Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang nagkumpirma nitong Martes ang pagkaka-turn over ng naturang kontrabando na nagkakahalaga ng P2.7 million, kay Attorney Mohammad Ben-Usman na opisyal ng BOC na nakabase sa Cotabato City.
Philstar.com / File Photo

COTABATO CITY, Philippines — Nasabat ng mga kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police ang aabot sa P2.7 milyong halaga ng imported na sigarilyo na tangka sanang ihatid ng tatlong mga lalaki gamit ang isang cargo truck nitong Linggo ng hapon sa Maguindanao del Norte.

Sa ulat, pormal nang ipinasa nitong Lunes ng Sultan Kudarat Municipal Police Station sa Bureau of Customs (BOC) ang 150 na kahon ng imported na sigarilyo na nagkakahalaga ng P2.7 milyon makaraang masabat ng mga pulis sa Barangay Dalumangcob sa Sultan Kudarat.

Mismong si Sultan Kudarat municipal police chief Lt. Col. Esmael Madin at si Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang nagkumpirma nitong Martes ang pagkaka-turn over ng naturang kontrabando na nagkakahalaga ng P2.7 million, kay Attorney Mohammad Ben-Usman na opisyal ng BOC na nakabase sa Cotabato City.

Ayon kay Madin, nasampahan na rin ng kaukulang kaso, sa tulong ng BOC, ang driver ng truck at dalawang helper nito na naaresto matapos silang masabat ng mga kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station habang papasok sana sa Cotabato City dala ang P2.7 milyong halaga ng sigarilyong gawa sa Indonesia na lulan ng kanilang truck na ga­ling diumano sa isang lugar sa Zamboanga peninsula.

Ihahatid sana ng tatlong suspek ang mga sigarilyong may brand na Berlin sa mga buyers sa Cotabato City at mga karatig bayan sa dakong timog ng Maguindanao del Sur nang sila ay maharang.

vuukle comment

CIGARETTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with