^

Probinsiya

P1.2 milyong shabu samsam sa big-time ‘drug pusher’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nasa P1.2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang pinaniniwalaang big-time drug pusher sa dalawang nagkasunod na operasyong inilatag ng pulisya sa bayan ng Tanza, Cavite.

Kapwa nasa listahan ng High Value Target ng pulisya ang dalawang suspek na kinilala sa mga alias na “Gamol”, 29 anyos, isang cock breeder at residente ng Brgy. Sto Niño 2, Dasmariñas City, Cavite, at “Reynaldo”, 44, ng Brgy. Paradahan Tanza Cavite .

Sa nakalap na ulat mula kay Lt. Col. Willy Bergado Salazar ng Tanza Police, unang nasakote si alias Reynaldo dakong alas-2:30 ng hapon sa Brgy Paradahan ng nasabing bayan.

Narekober kay Reynaldo ang may mahigit 83 gramo ng shabu na naka-pack sa may 13  selyadong transparent plastic sachet na aabot sa halagang P564,400. Nakuhanan din ng isang Daewoo 9mm pistol na baril at kargado ng magazine.

Samantala, kasunod na naaresto ng pulisya si alias Gamol dakong alas-8 ng gabi sa Brgy. Paradahan 1 ng Tanza. Nakumpiska sa kanya ang isang nakabuhol na transpa­rent plastic icebag na naglalaman ng shabu na nasa 100 gramo at may halagang P680,000.

vuukle comment

HIGH VALUE TARGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with