^

Probinsiya

2 rebeldeng NPA todas sa engkuwentro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 rebeldeng NPA todas sa engkuwentro
Ang nasabing enkuwentro ay naitala ilang oras naman bago magdeklara ng tigil putukan ang CPP-NPA kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan,
Interaksyon / File

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa liblib na lugar sa Brgy. San Carlos, Gattaran, Cagayan nitong Sabado ng umaga.

Ang nasabing enkuwentro ay naitala ilang oras naman bago magdeklara ng tigil putukan ang CPP-NPA kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan,

Sa ulat ng 5th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, bago ang bakbakan ay nakatanggap ng tip ang mga sundalo hinggil sa presensya ng mga armadong rebelde na gumagala sa lugar.

Agad namang nagresponde ang mga elemento ng militar at habang papasok sila sa naturang komunidad ay nasabat ang mga armadong rebelde na nangingikil umano ng mga pagkain, alagang hayop at pera sa mga sibilyan.

Bandang alas-5 lamang umano ng umaga ay naispatan na ng mga residente ang pagtungo sa kanilang pamayananan ng mga armadong rebelde.

Ayon sa report, nasa 12 rebelde na pawang miyembro ng East Front Committee sa Cagayan Valley Region sa ilalim ng pamumuno ng isang alyas Ka Karl  ang nakaengkuwentro ng mga sundalo.

Ang bakbakan ay tumagal ng may 50 minuto na ikinasawi ng dalawang rebelde habang pinaniniwalaan namang may mga sugatan sa panig ng mga nagsitakas base sa mga patak ng dugo sa lugar na tinahak ng mga kalaban.

Narekober naman ng mga sundalo sa encounter site ang isang 5.56 MM R4 rifle at mga kagamitan ng mga armadong rebelde.

vuukle comment

ID

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with