^

Probinsiya

Bahay ng kagawad nasunog: 3 patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng kagawad nasunog: 3 patay!
Halos hindi na maki­lala ang bangkay ng mga biktima na sina Elizabeth Jetano, 65- anyos; anak nitong si Niel Gabriel, 27-anyos, at apong 10-anyos na batang babae.
STAR / File

MANILA, Philippines — Luksa ang pagsalubong sa Kapaskuhan ng isang pamilya matapos na masawi ang tatlo nitong miyembro sa naganap na sunog sa Molo District, Iloilo City nitong Sabado ng madaling araw.

Halos hindi na maki­lala ang bangkay ng mga biktima na sina Elizabeth Jetano, 65- anyos; anak nitong si Niel Gabriel, 27-anyos, at apong 10-anyos na batang babae.

Sa inisyal na ulat mula sa Iloilo City Ope­rations Center, ang sunog na nagsimula dakong alas-4:42 ng umaga ay tumupok sa bahay ni Kagawad Nestor Jetano sa Zone 3, Brgy. Habog-Habog Salvacion, Molo District ng lungsod.

Nagawa namang makaligtas ng 91-anyos na biyenang lalaki ni Jetano na nailabas nila sa nasusunog na kabahayan sa tulong ng kanilang mga kapitbahay. Gayunman, nabigo nang masagip ang tatlo pa sa miyembro ng kanilang pamilya dahil nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan.

Ang sunog ay mabilis na kumalat kung saan nadamay sa insidente ang 66 pang istraktura na mayorya ay mga kabahayang gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Nasa 72 pamilya ang inilikas sa evacuation site sa Baluarte Elementary School at nanawagan ang pamahalaang lungsod ng karagdagang tulong sa mga nasunugang biktima na nataon habang nalalapit na ang Kapaskuhan.

Naapula naman ang sunog bandang alas-6:59 ng umaga matapos na magresponde ang mga bumbero. Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog.

“Their immediate needs are clothes, food items, utensils, water, and undergarments. For those who want to extend their help and donate, you may directly contact the Iloilo City Social Welfare and Deve­lopment Office (CSWDO) personnel at the eva­cuation center,” ayon sa ipinosteng mensahe sa social media ng pamahalang lungsod ng Iloilo.

vuukle comment

ILOILO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with