^

Probinsiya

Bagong halal na tserman, inutas sa bahay!

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Bagong halal na tserman, inutas sa bahay!
Kinilala ni P/Capt. Manny Paul Pawid, information officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), ang biktima na si Rolando Serapon, 76, nanalong barangay captain sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), at residente ng Purok 3, Barangay Calitlitan sa nabanggit na bayan.
Photo by: NVPPO

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Isang bagong halal na barangay chairman ang nasawi matapos pasukin at pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Barangay Calitlitan, Aritao ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Capt. Manny Paul Pawid, information officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), ang biktima na si Rolando Serapon, 76, nanalong barangay captain sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), at residente ng Purok 3, Barangay Calitlitan sa nabanggit na bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Aritao Police na habang kausap ng biktima ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang biktima na noon ay nakaupo, dakong alas- 6:45 ng gabi.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang ‘di kilalang gunman habang agad na isinugod sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Base sa imbestiga­syon ng pulisya, ang suspek na sakay ng  isang motorsiklo nang sumibat ay may katamtamang pangangatawan, nakasuot ng itim na short pants, itim na T-shirt, at berdeng face mask.

Napag-alaman na bago ang pagpaslang sa biktima, dumalo pa siya sa turn-over ceremony na isinagawa ng araw na iyon para sa unang araw ng panunungkulan ng mga bagong opisyal ng barangay.

Ayon kay Pawid, agad na bumuo ng Special Investigation Task Group ang PNP na tututok sa kaso at para matukoy ang suspek at motibo sa nasabing krimen. 

vuukle comment

BSKE

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with