^

Probinsiya

3 magkakaibigan timbog sa P172K shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang tatlong magkakaibigan at magkakasosyo sa pagiging tulak sa inilatag na drugbust ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Panapaan 4, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang 3 suspek sa mga alias na “Michael”, “Tomboy” at “Ramir”, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Panapaan 4 ng nasabing lungsod.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Eleuterio Ricardo Jr., alas-4 ng madaling araw nang maglatag ng drug operation ang Bacoor City Police-Drug Enforcement Unit sa panulukan ng 7 Sisters sa Brgy. Panapaan 4. Target ng grupo ang tatlong suspek na pawang nasa street drug watchlist ng pulisya.

Nang magpositibo ang operasyon, narekober ng mga pulis sa tatlong suspek ang apat na sel­yadong plastic sachet na naglalaman ng 20 gramong shabu na aabot sa halagang P172,500.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang buy-bust money na ginamit sa operasyon at cellpone na gamit sa transaksyon ng mga ito sa kanilang mga buyer.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with