^

Probinsiya

Babae sa Cotabato patay matapos kumain ng 'adobong palaka'

Philstar.com
Babae sa Cotabato patay matapos kumain ng 'adobong palaka'
File photo ng isang palaka sa tubig
AFP

MANILA, Philippines — Isang babae sa Makilala, Cotobato ang nasawi matapos kumain ng inadobong palaka na hinuli lamang.

Ayon sa ulat sa programa ng GTV na “State of the Nation” nitong Huwebes, humuli ng palaka ang biktimang si Marilyn Degemente sa isang ilog.

Sabi ng pamilya ng biktima, kinain ng babae ang atay ng palaka habang ginawa pa itong pulutan ng iba pang kamag-anak.

Dinala sa ospital ang biktima matapos namanhid ang bibig, sumakit ang tiyan, at sumuka, ngunit pumanaw din.

Binanggit ng kanyang doktor na may likido sa bahagi ng katawan ng palaka na nagtataglay ng lason at inoobserbahan pa ang kalagayan ng mga kaanak na nakakain din ng palaka.

Maaalala rin ang isang insidente nitong Mayo kung saan limang magkakapatid ang nalason matapos kumain ng palakang nahuli lang din nila sa paligid ng kanilang bahay sa Dipolog City, Zamboangga del Norte. Nasawi ang pinakabatang kapatid sa lima. — intern Matthew Gabriel

vuukle comment

ADOBO

COTABATO

FROG

MAKILALA

POISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with