^

Probinsiya

Indian national natagpuang patay

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Indian national ang natagpuang patay na may dalawang tama ng bala sa ulo, kahapon ng umaga sa Barangay Silangan Kabubuha­yan, Nagcarlan, Laguna.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Karnail Singh Chahal, 62, negosyante na nadiskubreng nakalugmok sa gilid ng kalsada ng mga residente, alas-10:00 ng umaga.

Sa salaysay ng mga residente sa pulisya na siya ay nakarinig ng dalawang putok ng baril at pinuntahan nila ang lugar at dito ay natagpuang patay dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan.

Hinala ng pulisya na riding-in-tandem ang suspek at inaalam pa ang motibo nang pagpatay sa biktima.

vuukle comment

INDIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with