^

Probinsiya

Kilabot na `agaw-motor’ utas sa shootout

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Bulagta ang isang hinihinalang notoryus na karnaper na sinasabing nakapagnakaw na ng hindi bababa sa 30 motorsiklo matapos na makaengkuwentro ng mga pulis nitong Linggo ng madaling araw sa Kawit, Pagadian City.

Sa inisyal na pahayag ng Pagadian City Police Office, nakatangay ng isang motorsiklo ang 22-anyos na si John Rick Latayada Orandoy na nakaparada sa isang bakuran sa Santa Maria District in lungsod bago ito nasukol at nanlaban sa mga humahabol na mga pulis sa isang bahagi ng Muricay Road sa Barangay Kawit.

Aarestuhin sana nang mapayapa ng mga pulis na nagresponde sa naturang pagnanakaw ng motorsiklo si Orandoy ngunit bumunot umano ito ng baril at nagpaputok.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga pulis na nakatunton sa kanya sa Barangay Kawit kaya siya napatay sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Matagal nang minamanmanan ng mga barangay officials at mga intelligence agents ng Pagadian City Police Office  Si Oranday dahil sa mga ulat ng mga residente ng Pagadian City na marami na siyang ninakaw na mga motorsiklo sa ibat-ibang lugar sa lungsod.

vuukle comment

KAWIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with