^

Probinsiya

2 ‘tulak’ sa Quezon timbog sa P.2 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� sa Quezon timbog sa P.2 milyong shabu
Kinilala ni PLt. Col. Ruben Ballera Jr., chief of police rito ang mga naaresto na sina Herson Azurias alyas “Pedro”, 26 ,binata, dati nang may kasong paglabag sa RA 9165 at residente ng Purok Central, Brgy. Ibabang Dupay, at Sergio Moulic Jr.alyas Bilog, 29, may kalive-in, dating may kasong theft, residente ng Purok Pagkakaisa, Brgy. Cotta, at kapwa kabilang sa talaan ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) bilang Suspected List Individual (SLI).
File

LUCENA CITY, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos malambat sa buy-bust operation at makumpiskahan ng suspected shabu na aabot sa mahigit P200,000 kahapon ng madaling araw sa Purok Manga 2, Brgy. Mayao Crossing sa lungsod na ito.

Kinilala ni PLt. Col. Ruben Ballera Jr., chief of police rito ang mga naaresto na sina Herson Azurias alyas “Pedro”, 26 ,binata, dati nang may kasong paglabag sa RA 9165 at residente ng Purok Central, Brgy. Ibabang Dupay, at Sergio Moulic Jr.alyas Bilog, 29, may kalive-in, dating may kasong theft, residente ng Purok Pagkakaisa, Brgy. Cotta, at kapwa kabilang sa talaan ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) bilang Suspected List Individual (SLI).

Ayon kay Lt. Col. Ballera, isinagawa ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang anti drug operation laban sa mga suspek dakong alas-2:25 ng madaling araw.

Nakuha buhat sa pag-iingat ng mga suspek ang 11 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 11.61 grams at nagkakahalaga ng P236,844, isang P500 marked money at isang cellphone.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with